BizHelp

Jim C. Agravante
Simple Guide sa Data Privacy:
Bakit Mahalaga Ito sa Bawat Negosyo
Second of 3 series
Ano ang mga bagong alituntunin sa data protection sa Pilipinas?
Nananatiling gabay natin ang Data Privacy Act of 2012 (RA 10173). Dahil online na ang karamihan sa transactions, mas mahalagang alamin kung anong impormasyon ang kinokolekta mo at sino ang may hawak nito. Hindi sapat ang privacy policy lang; kailangan ding protektahan ang data ng customers at employees. Naglabas din ang National Privacy Commission (NPC) ng mga simpleng patnubay tungkol sa data scraping, paggamit ng body-worn cameras, at privacy tools para sa insurance. Tandaan: ang data privacy ay para sa lahat ng negosyo, malaki man o maliit.
Ano-ano ang mga dapat bantayan sa iba't ibang industriya?
Sa fintech, dapat ingatan ang payment details at customer IDs alinsunod sa Financial Products and Services Consumer Protection Act (RA 11765). Sa retail at e-commerce, ingatan ang pangalan at address ng buyer; huwag itong ibahagi nang walang pahintulot. Sa AI tools, huwag basta mag-upload ng sensitibong dokumento o personal records. Sa digital health, mas doblehin ang pag-iingat sa medical records ng pasyente.
Kahit ano man ang iyong negosyo, iisa ang layunin: ingatan ang data ng iyong customers at staff.
May tulong ba ang gobyerno para sa compliance?
May mga gabay at libreng training programs ang SEC, BSP, DTI, at NPC. Mayroon ding Regulatory Sandbox Framework kung saan pwedeng subukan ang mga bagong digital products sa tulong ng regulators. Gamitin natin ang mga resources na ito para mas madaling makapagsimula.
Pratikal na Tips sa Data Privacy para sa MSMEs
- Huwag humingi ng sobrang impormasyon kung hindi naman kailangan sa serbisyo.
- I-lock ang business social media accounts, email, at online payment channels gamit ang 2FA at malalakas na password.
- Siguraduhing ang mga authorized personnel lamang ang nakakakita ng customer lists at financial records.
- I-shred ang mga lumang papel at permanenteng i-delete ang digital files na hindi na kailangan.
- Paalalahanan ang mga empleyado na huwag basta mag-click ng kaduda-dudang links o mag-share ng passwords.
—-------------------------------x BizHelp Column
WE ARE HERE TO HELP!
Reach out to SORIANOLAW